Wednesday, July 15, 2009 ++
A professor says, "No matter how you avoid this, it will be inevitable. In fact, the harder you try, the more you become like your *******."
Eksena: Papalabas ng parking lot. Papalampas ng booth kung saan nagbabayad.
CA: Teka teka teka teka
MA: ANO BA?! DI KO NAMAN MAKAKALIMUTAN EH! MINAMADALI MO AKO! KITA NA NGANG MAHIRAP POSISYON NUNG KOTSE!
CA: Huwag kang magalit. Pinapaalala ko lang.
MA: Tsk! Eh pwede namang sabihin ng dahan-dahan. Hindi yung tekatekatekateka
CA: EH akala ko---
MA: AYAN KA NA NAMAN SA MGA KALA MO! AKALA AKALA!
Sana naman hindi ako ma-"history repeats itself". Huwag naman sana itong maging bintana ng kinabukasan. Alam mo, idol kita pero walang sinabi ang haba ng pasensiya ko sa haba ng pasensiya mo. I have spent my childhood and adolescent years under subjugating superveillance. I will DIE if I spend the rest of my life with someone lording over me. 12:12 AM
Monday, March 09, 2009 ++
Eraserheads: The Final Set
SM Mall of Asia
March 7, 2009
VIP
Epepepepepepepep! Ano kamo? VIP? Ano kamo?!?
Ano namang implikasyon nun?
Wala pa yang tunog ha. Siyempre mas kickass kung narinig mong kumakanta, gumigitara, tumatambol, bumibiro at naghahagis ng sapatos sina Ely, Raimund, Makoy at Buddy. Isipin mo na imbis na naririnig mo yung mga nakalista sa baba gamit iPod, laptop, discman, CD player, walkman o casette player mo, nasa harap mo sila kinakantahan ka. Hindi Pupil, Sandwich, Cambio o Markus Highway na nagcocover ng Cutterpillow o Circus kundi ang Eraserheads. Voice of the 90s. One of the pioneers of OPM rock. Living legends. Kinakantahan ka ng mga bigatin. Magkakasama. The MoA stage was the ultimate melting pot of musical talent. Won't you be overwhelmed? Di ka ba iiyak sa tuwa at magpapasalamat sa lahat ng anito mo?
First Set
* Magasin
* Walang Nagbago
* Maling Akala
* Maskara
* Poormans Grave
* Waiting For the Bus
* Slomo
* Alkohol
* Insomya
* Torpedo
Second Set
* Julie Tearkerky
* Wag Mo Nang Itanong
* Tikman
* Wishing Well
* Fine Time
* Kailan
* Pare Ko
* Back to Me
* Trip To Jerusalem
* Spolarium
* Overdrive
Encore
* Super Proxy
* Minsan
* Alapaap
* Kalideoscope World (not listed in original setlist)
* Ang Huling El Bimbo
Three More For the Road:
* Ligaya
* Sembreak
* Toyang
Tapos isipin mo "eto na talaga yung huli" (Buendia, 2008). Hindi na mauulit. Hanggang cover na lang. Hanggang tribute na lang ng mga modernong sikat na banda na lang. Kahit gaano pa sila kasikat, hindi Eraserheads ang Orange and Lemons. Hindi Ely Buendia si Ebe Dancel. Hindi Markus Adoro si Armo Armovit. Hindi Raimund Marasigan si Tutti Caringal. At hindi Buddy Zabala si Myrene Academia.
And that, my dear friends who frowned at the ticket price, is worth every penny. 10:12 PM
Sunday, January 11, 2009 ++
Mafel! Nakita ko si Lolapreneur! Kumakain siya sa may Wendy's Taft at, as always, ang iyong oh so ever taray lola ay may dalang telepono. Pinicturan ko nga siya from afar eh. Haha. Grabe, she gets around. Hindi lang pala Gonuts Donuts ang opisina niya. 24/7 talaga ang customer service niya. Walang break-break. Apir, lola!
Monday, January 05, 2009 ++
After seven to eight years of depriving Mars to our local convenience stores and supermarket, it's finally back!!! Soft nougat and creamy caramel covered in thick milk chocolate, how I have missed you. *bite* HAAAAAYLAVIIIT! 9:35 PM
Monday, December 08, 2008 ++
kasi pare ganito daw yun. may isa daw babae na hot daw pare. pero maputla siya kasi hindi siya inalagaan ng nanay niya pare. tapos pare emo daw siya kasi nga daw hindi siya mahal ng mundo at para siyang patay na bata na galit sa mundo. tapos pare, lumipat daw siya ng tirahan kasi daw masyado daw siyang emo para sa luma niyang tirahan. sabi niya sa nanay niya "tangina mo nay gusto ko lumipat kay tay". tangina pare hindi nagalit nanay niya. sabi lang ng nanay niya "tangina mo pare wag ka magmura".
so lumipat siya sa tatay niya di ba? pagkarating niya dun sabi niya, "tangina erpat bakit maulan dito?" sabi ng erpat niya "gago "bur" months na! malamig na tangena". so nagtaka yung babaeng simula ngayon ay tatawagin na lang nating "babaeng maputla at emo".
so pumasok siya sa school di ba? binigyan siya ng truck ng tatay niya pare. sabi ng tatay niya "tangina mo sa'yo na tong truck ko". sabi niya "salamat tay".
pagkarating niyang school tsong, may nakita siyang lalaking mukhang bangkay pero pogi. sakto. pogi pero mukhang bangkay. sabi ni babaeng maputla at emo "hot pare".
nung chem lab na ni babaeng maputla at emo, natagpuan niyang lab partner niya yung poging bangkay. so nung tinignan siya nung poging bangaky, ang asim ng mukha nito. mukhang nandiri ata kay babaeng maputla at emo.
sabi ni poging bangkay "tangina mo". sabi ni babaeng maputla at emo "tangina KA". sabi ni poging bangkay "tangina NIYA oh *tumuro sa teacher nila*". sabi ni babaeng maputla at emo "oo nga noh. TANGINA MO". sabi ni poging bangkay "tangina mo gago bampira ako". tapos naghubad siya ng damit at kumintab ang katawan niya kasi linagyan niya ng glitters ang abs niya kasi tigas siya at ganun na ang mga tigas ngayon na nagpupuntang emba.
so pare na in love si babaeng maputla at emo kay poging bangkay. si poging bangkay naman sige lang kasi sex din daw yun. so ayun. angshweet shweet nila.
"eow poh... ahihihihi"
"bebe mwahugz,..... ^^,"
so tapos nun nagpunta sila sa damuhan kasi.... alam mo na. tapos sabi ni poging bangkay "ikaw na buhay ko ngayon" sabi ni babaeng maputla at emo "tangina mo gago patay ka na". sabi ni poging bangkay "TANGINA KA".
tapos nagsex sila
so basically pare yun lang yung mga importanteng nangyari sa buong storya. intense noh? kaya pala nahhook lahat ng tao.
---
"ikaw na buhay ko ngayon"
"tangina gago patay ka na"
LAUGH TRIP.
Nirepost ko lang yan. At kung sino man nagpost niya, aalayan kita ng Caramba Dance. Pinaligaya mo ako. Benta kaya ayan, I shall share the hilarity. 10:57 PM
Sunday, August 31, 2008 ++
Nung fourth year high school...
Mafel: Ano ang mga gusto mong puntahan na concert?
Christelle: Incubus
Mafel: Sa local bands?
Christelle: Eraserheads... Pero siyempre diba sobrang imposible na yun...
Mafel: Oo nga. Nagdisband na kasi sila
Christelle: Kung magkakasama sila ulit. Pero pangarap na yun
Mafel: Kung mamimili ka sa Incubus at Eraserheads concert, anong pipiliin mo?
Christelle: Yung Eheads. Once in a lifetime lang yun no. Buo pa yung Incubus eh yung Eheads nag disband na.
Makatapos ang apat na taon, natupad ang pinapangarap namin.
THE ERASERHEADS: REUNION CONCERT
August30, 2008
The Fort Open Fields
At malamang nagpunta kami ni Mafel. Nasa bungad kami ng Patron (Dahil di nagbebenta ng VIP na wrong move dahil malamang maraming papatay para makapunta sa concert of the century. May list-list pa kayong nalalaman eh handa na ngang magbayad na diyes mil mga tao para makita silang tumugtog nang magkakasama) at VIP. Siksikan. Sikuhan. Lalo na nung nag 10-minute countdown. Yun na yata ang pinakamahabang sampung minuto ng buhay ko. Panimulang AVP pa lang, sigawan na ang lahat. Wild na ang crowd pagtugtog ng mga unang chords ng Alapaap. Mega talon at kanta ang lahat. Namangha ang lahat sa bonggang bonggang fireworks display sa dulo ng kanta. Yes, sulit ang P1,300 ko.
Ang saya, Kahit na di na ako makahinga at tuyung-tuyo na lalamunan ko sa kakakanta ng Alapaap, Ligaya, Sembreak, Hey Jay, Harana, Fruitcake, Toyang, Kailan, Huwag Kang Matakot, Kaliwete, Kamasupra, With A Smile, Shake Yer Head, Huwag Mo Nang Itanong at Lightyears... sa kakasabay sa madlang sumigaw ng "Group Hug!"... Nakakaiyak na makita silang magkakasama ulit. Bad trip nga lang at di ako makasalo ng drumsticks na hinahagis ni Raimund.
"Tae ang galing ng Eheads!" (Mancol, 2008)
Tapos biglang napaupo si Ely. Inabutan ng Sunkist. Tapos nag 20 minute break. Water break muna siguro. Ayos lang. Uhaw na naman ako. Tapos tumagal nang tumagal ang twenty minutes. Hiyawan naman ang lahat nung lumabas sina Raimund at Buddy tapos sinabing sinugod si Ely sa ospital.
...
...
...
Yan ang reaksyon ng lahat. Mga tulala. Speechless. Nagtatantsahan. Akala namin ni Mafel magririot. Kung yung unang nagreact, sinabing, "Hindi! Ibalik niyo si Ely nang nakawheelchair! 1-3 kooooooo! Ang suplado ni Bonnet!" magstampede ang mga tao. Buti na lang yung unang nagreact pumalakpak kaya pumalakpak ang lahat. Milagro talaga na umexit ang lahat ng tahimik. Ang bait ng mga tao no? Pagaling ka Ely, labs ka namin. :)
Note:
Si Bonnet ay si Kuya Bouncer na inalipusta nang lahat (and I quote, "Ano ba yan?! Di ko makita! Bonnet, upo!") kaya nagtaray siya nung pinapatawag namin si Kuya Sunkist Vendor.
Bitin. Kahit na nakasampung kanta pa sila. Bitin. Thirty songs raw dapat. Gusto ko yang bigyang diin - thur-tee soooooongssss. Isipin mo yun. Malamang dapat may Magasin, Tuwing Umuulan at Kapiling Ka, Para sa Masa, Maselang Bahaghari, Ang Huling El Bimbo, Superproxy, Torpedo, Pare Ko, Overdrive, Back2Me, Minsan, Torpedo, etc. Grabe, kahit pa himatayin ako pagkatapos titiisin ko makumpleto lang yan.
Sana gumaling si Ely. Sana may part two. Sana libre. Sayang. Hinihintay ko pa naman ang grand finale. May helipad raw eh. Baka sumakay sila sa helicopter paalis habang may eksenang fireworks. Drama. Pero wala nang mas malaking trahedya kumpara sa nangyari.
Oh well. Life is amper. Kung kailan ako handa magbayad ng sampung libo para maka-VIP, di nagbenta. Kung kailan nagpatikim ang Eheads ng live performance, sinumpong ang sakit ni Ely. Wala namang may kasalanan. Amper lang talaga ang tadhana.
<3 EHEADS! 12:06 AM
Tuesday, July 01, 2008 ++
In lieu of frog dissection, our batch extracted DNA in a UP-Diliman laboratory during my second year of high school. I vaguely remember the steps involved in the entire procedure. What I do recall is the repetitive use of centrifuges, long waiting hours, and carcinogenic ethidium bromide for photo documentation. The same arduous work was what I presumed for today's molecular biology experiment.
Surprisingly, I could hardly describe our work as taxing. Our professor must have been excellent at making a prolix process seem simple. The most difficult part was probably twirling DNA strands in our disposable micropipettes. But what makes it so exceptional is that we get to keep our DNA... in pretty glass teardrop-shaped pendants. Awwww.
9:23 PM
Site Information ++
Best viewed: Mozilla Firefox. COmpatible with: Netscape, IE5+, Firefox.
No Javascript.