Sunday, August 31, 2008 ++

Nung fourth year high school...

Mafel: Ano ang mga gusto mong puntahan na concert?
Christelle: Incubus
Mafel: Sa local bands?
Christelle: Eraserheads... Pero siyempre diba sobrang imposible na yun...
Mafel: Oo nga. Nagdisband na kasi sila
Christelle: Kung magkakasama sila ulit. Pero pangarap na yun
Mafel: Kung mamimili ka sa Incubus at Eraserheads concert, anong pipiliin mo?
Christelle: Yung Eheads. Once in a lifetime lang yun no. Buo pa yung Incubus eh yung Eheads nag disband na.


Makatapos ang apat na taon, natupad ang pinapangarap namin.

THE ERASERHEADS: REUNION CONCERT
August30, 2008
The Fort Open Fields

At malamang nagpunta kami ni Mafel. Nasa bungad kami ng Patron (Dahil di nagbebenta ng VIP na wrong move dahil malamang maraming papatay para makapunta sa concert of the century. May list-list pa kayong nalalaman eh handa na ngang magbayad na diyes mil mga tao para makita silang tumugtog nang magkakasama) at VIP. Siksikan. Sikuhan. Lalo na nung nag 10-minute countdown. Yun na yata ang pinakamahabang sampung minuto ng buhay ko. Panimulang AVP pa lang, sigawan na ang lahat. Wild na ang crowd pagtugtog ng mga unang chords ng Alapaap. Mega talon at kanta ang lahat. Namangha ang lahat sa bonggang bonggang fireworks display sa dulo ng kanta. Yes, sulit ang P1,300 ko.

Ang saya, Kahit na di na ako makahinga at tuyung-tuyo na lalamunan ko sa kakakanta ng Alapaap, Ligaya, Sembreak, Hey Jay, Harana, Fruitcake, Toyang, Kailan, Huwag Kang Matakot, Kaliwete, Kamasupra, With A Smile, Shake Yer Head, Huwag Mo Nang Itanong at Lightyears... sa kakasabay sa madlang sumigaw ng "Group Hug!"... Nakakaiyak na makita silang magkakasama ulit. Bad trip nga lang at di ako makasalo ng drumsticks na hinahagis ni Raimund.

"Tae ang galing ng Eheads!" (Mancol, 2008)

Tapos biglang napaupo si Ely. Inabutan ng Sunkist. Tapos nag 20 minute break. Water break muna siguro. Ayos lang. Uhaw na naman ako. Tapos tumagal nang tumagal ang twenty minutes. Hiyawan naman ang lahat nung lumabas sina Raimund at Buddy tapos sinabing sinugod si Ely sa ospital.

...
...
...

Yan ang reaksyon ng lahat. Mga tulala. Speechless. Nagtatantsahan. Akala namin ni Mafel magririot. Kung yung unang nagreact, sinabing, "Hindi! Ibalik niyo si Ely nang nakawheelchair! 1-3 kooooooo! Ang suplado ni Bonnet!" magstampede ang mga tao. Buti na lang yung unang nagreact pumalakpak kaya pumalakpak ang lahat. Milagro talaga na umexit ang lahat ng tahimik. Ang bait ng mga tao no? Pagaling ka Ely, labs ka namin. :)

Note:
Si Bonnet ay si Kuya Bouncer na inalipusta nang lahat (and I quote, "Ano ba yan?! Di ko makita! Bonnet, upo!") kaya nagtaray siya nung pinapatawag namin si Kuya Sunkist Vendor.

Bitin. Kahit na nakasampung kanta pa sila. Bitin. Thirty songs raw dapat. Gusto ko yang bigyang diin - thur-tee soooooongssss. Isipin mo yun. Malamang dapat may Magasin, Tuwing Umuulan at Kapiling Ka, Para sa Masa, Maselang Bahaghari, Ang Huling El Bimbo, Superproxy, Torpedo, Pare Ko, Overdrive, Back2Me, Minsan, Torpedo, etc. Grabe, kahit pa himatayin ako pagkatapos titiisin ko makumpleto lang yan.

Sana gumaling si Ely. Sana may part two. Sana libre. Sayang. Hinihintay ko pa naman ang grand finale. May helipad raw eh. Baka sumakay sila sa helicopter paalis habang may eksenang fireworks. Drama. Pero wala nang mas malaking trahedya kumpara sa nangyari.

Oh well. Life is amper. Kung kailan ako handa magbayad ng sampung libo para maka-VIP, di nagbenta. Kung kailan nagpatikim ang Eheads ng live performance, sinumpong ang sakit ni Ely. Wala namang may kasalanan. Amper lang talaga ang tadhana.

<3 EHEADS!
12:06 AM

Site Information ++

Best viewed: Mozilla Firefox. COmpatible with: Netscape, IE5+, Firefox.
No Javascript.